Napansin ko lang na nauuso ang mga "personification" texts. For purely kakulitan reasons, nakatuwaan ko itong i-compile. Sa ngayon, ang mga sumusunod ang nasa aking listahan...
1. Sikat talaga ako! Pag dumaan ako, nagtitilian ang mga babae. Nagsisigawan. Nagtatalunan pa!
- DAGA
2. Hindi lahat ng maasim, may Vitamin C.
- KILIKILI
3. Don’t ever forget that there is no need to worry about forgetting things as you grow older because you’ll soon forget what you have forgotten.
- ALZHEIMER
4. Dahil matagal mo akong pinabayaan at di pinansin, ngayon, ikaw naman ang masasaktan.
- IN GROWN NAIL
5. Wag mo akong sisihin kung cold man ako dahil hindi naman ako magmamatigas kung binigyan mo lang sana ako ng konting importansya!
- KANING LAMIG
6. Alam mo, wala na akong ibang hinangad kundi ang mapalapit sa’yo, pero patuloy ang pagiwas mo.
- IPIS
7. Uy, may dengue ako.
- LAMOK
8. Hindi lahat ng green, masustansya.
- PLEMA
9. Wag magrereklamong pinaiyak kita dahil nauna mo akong sinaktan!
- SIBUYAS
10. You never know what you have ‘til you lose it and once you lose it, you can never get it back.
- SNATCHER
11. Pabigat ba ako sa’yo? Sige, iwan mo na ako...
- BACKPACK
12. Ginawa ko naman ang lahat para lumigaya ka pero hindi ka pa rin makuntento sa isa. Bakit palipat-lipat ka pa rin.
- TV
13. Pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik pa rin ako!
- LIBAG
14. Hindi lahat ng pink, kikay!!
- MAJINBOO
15. Hindi lahat ng naninilaw, may hepa!
- THE SIMPSONS
16. Ayoko na! Bakit kapag nagmamahal ako nagagalit sila!?
- GASOLINA
17. Kung walang nagtetext sa’yo, andito naman ako. Segundo lang sasagot na ako.
- BALANCE INQUIRY
18. Ikaw kaya ang ilagay sa apoy, tingnan natin kung di ka rin sumigaw!
- TAKURE
19. Hindi ako pokpok! Bakit ba lagi mo akong binubugaw!?
- BANGAW
20. Sawa na ako sa on-off natin. Pagod na rin ako sa kakahabol sa’yo. Pwede bang steady naman tayo?
- CHRISTMAS LIGHT
21. Sawang-sawa na ako. Lagi mo na lang akong pinapaikot! Ayoko na!
- ELECTRIC FAN
22. Hindi masarap ang ketchup!
- MANG TOMAS
23. Hindi lahat ng nagparetoke, maganda ang resulta!
- MADAM AURING
24. Ang yabang mo!! pinagtatawanan mo ako samantalang dati gustong-gusto mo ako!
- NOKIA 5110
25. Hindi lahat ng nasa balon ay tubig.
- SADAKO
26. Punta ako mamaya diyan sa bahay nyo. Wag ka muna matutulog ha!
- LOTUS FEET
27. Grabe! Biruin mo, 15 thousand daw, hot oil lang! 150 thousand ang rebonding! Sobra yang David's Salon na yan!
- RAPUNZEL
28. Hindi lahat ng walang salaway, bastos!!
- WINNIE THE POOH
*** Di ko ipo-post yung iba. For General Patronage (GP) ang post na ito. :-p Salamat sa aking mga contributors. Keep 'em coming! :-)