Madaming nagugulumihanan kung bakit daw ako umiitim.
Gusto ko daw bang maging kakulay ni chuva chenez?
Ang sagot: Of course not!! At kahit pangarapin ko pang maging level sa kulay nya, wala akong kakayahan umitim ng ganun.
Sabi ko nga, nagpapa-tan ako ng sadya. Nainggit kasi ako sa mga nag-beach! Hehehe.
Ang pinakamalaking "contributor" sa pangyayaring ito ay ang pagpasok ko habang tirik na tirik ang haring araw. Hay naku, mas mamatamisin ko pang maging mas maitim pa sa ulikba kung mababawasan ang oras na makikita ko ang mga "unwanted entities" sa aking buhay. Mas masaya pa ng gabi sa opisina at bawas ang dami ng tao.
Sa mga karagdagang katanungan, mag-iwan na lang ng mensahe at sasagutin ko yan sa lalong madaling panahon. Hehehe...